Sumasailalim na sa serye ng Factory Acceptance Tests ang unang trainset ng Rolling Stock Contract ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos line) sa Japan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan nito, maisasalang sa beripikasyon ang bagong trainset kung nakasunod sa international standards, tulad ng International Organization of Standardization (ISO) at Japanese Industrial Standards (JIS).
Dagdag ng kagawaran, makatutulong ang FATs upang malaman kung gumagana nang maayos ang tren bago ipadala sa Pilipinas.
Mula sa Yokohama Port, nakatakdang ipadala ang trainset sa buwan ng Oktubre at darating sa Malanday Depot sa unang linggo ng Disyembre.
MOST READ
LATEST STORIES