Aarangkada na sa susunod na Biyernes, Oktubre 18, ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, gagawin ang pediatric vaccination sa National Children’s Hospital at Philippine Heart Center, Fe del Mundo Medical Center , pawang nasa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital sa Pasig City; Philippine General Hospital sa Maynila; Makati Medical Center sa Makati City St. Luke’s Medical Center sa Taguig City; at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay Roque, ang rollout sa mga ospital ay by age group na 15 – 17 anyos at 12 – 14 anyos.
Sa ngayon nasa mahigit 48 million doses na ng total vaccines ang na-administer, base sa National COVID-19 Dashboard.
Sa Metro Manila, nasa 16,317,106 doses ang naiturok na.
Samantala, sa kabuuang bilang, 22,657,351 ang fully vaccinated na sa bansa.