Wala ng dahilan para hindi pa magpabakuna – Malakanyang

Ngayon sobra pa sa sapat ang suplay ng COVID 190 vaccines sa bansa, sinabi ng Malakanyang na wala ng dahilan para hindi pa magpabakuna ang mga maari nang maturukan ng pangontra sa COVID 19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ngayon ay on-target ang inaasahang pagdating ngayon buwan ng 100 million doses.

Sa katunayan aniya, ngayon araw ay darating ang 1,384,280 doses ng Moderna COVID 19 vaccines na binili ng gobyerno gayundin ang 747,816 karagdagang doses naman na binili ng pribadong sektor.

Bukas, Oktubre 9, ay darating pa ang karagdagang higit 1.3 million doses na binili din ng gobyerno at pribadong sektor.

Read more...