Reelectionist Sen. Leila de Lima naisumite na ang COC sa Comelec

Ginawa nang pormal ni Senator Leila de Lima ang kanyang muling pagkatakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado at tagapagsalita na si Atty. Dino de Leon, naisumite ni de Lima ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa Harbor Garden Tent sa Hotel Sofitel pasado alas-10 ngayon umaga.

Tatakbo muli sa ilalim ng Liberal Party si de Lima.

Sa labas naman ng Senado, ilang metro ang layo mula sa Sofitel, nagtipon-tipon ang mga kaibigan at tagasuporta ng senadora.

Marami sa kanila ay mga kinatawan mula sa women at youth groups.

Read more...