Sen. Francis Pangilinan, VP ni VP Leni

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Senator Francis Pangilinan at siya ang vice presidential candidate ni Vice President Leni Robredo.

Unang inanunsiyo ng kampo ni Pangilinan ang paghahain niya ng COC kahapon, ngunit ipinagpaliban ito matapos ideklara ni Robredo ang sarili sa sasali sa presidential race.

Sa ngayon si Pangilinan ang pangulo ng Liberal Party.

Siya ang tumayong campaign manager ng Otso Diretso, ang senatorial line-up ng oposisyon noong 2019, ngunit kahit isa ay walang nanalo sa kanila.

Matapos din ang pagdedeklara ni Robredo ay umugong na ang balita na si Pangilinan ang kanyang magiging running mate, ngunit walang nakuhang opisyal na kumpirmasyon ukol dito.

Read more...