10,019 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Aabot sa 10,019 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2,632,881 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang virus.

Sa naturang bilang, 115,328 ang aktibong kaso.

Sa aktibong kaso, 77.1 percent ang mild, 13.6 percent ang asymptomatic, 2.7 percent ang severe, at 1.2 percent ang nasa critical condition.

Nasa 109 ang bagong nadagdag sa talaan ng mga nasawi.

Sa kabuuan nasa, 39,937 ang mga nasawi.

 

Read more...