Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na dalhin sa Korte Suprema at maghain ng reklamo kaugnay sa ipinalabas na memorandum na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa mga pagdinig ng Senado.
Ayon sa Pangulo, gusto niyang maipakita kung anong uri ng pag-uugali mayroon ang mga senador tuwing may pagdinig sa Senado.
Nais ng Pangulo na mailagay sa kasaysayan ang pag-aasta ng mga senador.
“That’s why I want them to go the Supreme Court. Gusto kong makita ng footage ng behavior nila during… I want the — I want it recorded in history. It’s… Iyong pangyayari sa Senate and how they behave badly. Gusto kong dalhin nila sa Senad — ah sa Korte Suprema so itong ano nila pinapa-withdraw nila ‘yung order ko. T*** i**. Eh iyong prohibiting people from the Executive department from testifying,” pahayag ng Pangulo.
Nanindigan pa ang Pangulo na hindi niya iuurong ang memo lalo’t ang Senado naman ang nagsimula ng gulo.