Nagdeklara na rin si Vice President Leni Robredo na kakandidatong pangulo ng bansa sa 2022 national elections.
Ginawa ni Robredo ang anunsyo sa kanyang tanggapan sa Quezon City.
Ayon kay Robredo, lalaban siya sa pagka-pangulo ng bansa.
Ginawa ni Robredo ang anunsyo, isang araw matapos maghain ng certificate of candidacy sa pagka-pangulo ng bansa si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Sina Robredo at Marcos ay nagkalaban sa pagka-bise presidente noong 2016 national elections, subalit natalo ang huli.
MOST READ
LATEST STORIES