Ginawa ng pormal ni dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang kanyang pagkandidato sa pagka-pangulo sa eleksyon sa susunod na taon.
Kasama ni Marcos ang maybahay na si Atty. Louise Marcos at ang kanyang mga anak na sina Ferdinand Alexander at Joseph Simon nang ihain niya ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa Sofitel Harbor Tent.
Kagabi inanunsiyo ni Marcos ang pagsabak sa ‘presidential race’ matapos manumpa bilang chairman ng Partido Federal ng Pilipinas.
“I am today announcing my intention to run for the Presidency of the Philippines in the upcoming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country. Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli,” ang pahayag kahapon ni Marcos.
Sinabi pa niya; “Hangad kong ibalik ang mapagkaisang paglilingkod na magbubuklod sa ating bansa. Tayo’y magkaisa at sama-sama tayong babangon mula sa hagupit ng pandemya, babangon mula sa paglulugmok ng ating ekonomiya.”
Aniya kailangan na kailangan ngayon ng pagkakaisa patungo sa pagbangon sa epekto ng pandemya.
“Let us bring Filipinos back to one another in service of our country facing the crisis and the challenges of the future together. Sama-sama tayong babangon muli,” sabi pa nito.