Pilot testing ng face-to-face classes sisimulan sa Nobyembre 15

Magsisimula sa darating na Nobyembre 15 ang pilot testing ng face-to-face classes sa ilang pampublikong paaralan, na karamihan ay sa Visayas at Mindanao.

 

Nabatid na dalawang paaralan lamang sa Luzon, na kapwa nasa Masbate, ang kasama sa pilot-testing.

 

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education sa pamumuno ni Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi ni Education Usec. Nepomuceno Malaluan na ang petsa ay kasabay ng simula ng second quarter ng mga klase.

 

Paliwanag pa ni Malaluan ang initial run ay hanggang Disyembre 22 at matatapos naman ang pilot testing sa Enero 31 sa susunod na taon.

 

At sa Pebrero ay magsasagawa na ng evaluation ang kagawaran sa iba pang mga eskuwelahan na maaring buksan na at makabalik na sa traditional classes ang mga estudyante hanggang sa Marso.

 

Noong nakaraang buwan, pinayagan na ni Pangulong Duterte ang limited face-to-face classes sa mga eskuwelahan na irerekomenda ng DepEd sa pakikipag-ugnayan naman sa Department of Health.

 

Nagrekomenda ang DepEd ng 100 pampublikong eskuwelahan at 20 pribadong paaralan sa mga itinuturing na low risk areas ng COVID 19 para muling makapagsagawa ng face-to-face classes.

 

 

Read more...