Ang babala ay nag-ugat sa mga ulat na natanggap ng NPC ukol sa ‘smishing incidents’ kung saan nakatanggap ng text message ang mga nagsumbong.
May ‘links’ sa text messages na kapag pinindot ay magbubukas sa isang website na maaring maging daan para makuha ang personal data ng subscriber.
Sinabi ni NPC Comm. Raymund Liboro sa ‘smishing’ ay maaring may pagbubukas ng dummy Facebook account.
Paliwanag pa nito, ito ay maari din magamit sa online shopping at online delivery para maloko ang mga may inaasahan na bagay na binili nila online at hihingiin ang kanilang personal at banking informations.
Hinihikayat ni Liboro ang publiko na suriin mabuti ang mga natatanggap nilang text message mula sa mga numero na wala sa kanilang contact o phonebook.