Umapila si Senator Francis Tolentino sa kanyang mga kapwa senador na hindi dapat gamitin sa siraan sa politika ang isinasagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa diumanoy overpriced COVID 19 medical supplies na binili ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical.
Diin ni Tolentino walang makaka-usad kung walang pagkakaisa ang lahat.
Dapat aniya pagkakaisa ang isulong sa mga pagdinig at dapat din magbigay ito ng pag-asa sa sambayanan.
“Let this be known… that in the privacy of my heart and in the sanctuary of the Constitution, naniniwala po ako na iyong Bulwagan po nating ito ay hindi dapat magpalaganap ng hidwaan sa ating lipunan, bagkus ay dapat po itong magsulong ng pag-asa,” sabi ng senador.
Naniniwala si Tolentino na nararapat lang na malantad sa pagdinig ang katotohanan at apila pa niya dapat ay irespeto ng lahat ang isa’t-isa at kasama na dito aniya si Pangulong Duterte.