Bagong COVID 19 cases mababa na sa 10,000

Makalipas ang halos dalawang buwan, mababa na sa 10,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health, 9,055 ang nadagdag sa COVID 19 cases sa bansa.

Huling nakapagtala ng mababa sa 10,000 COVID 19 cases noong Agosto 10.

Ang bilang ay 19.3 porsiyento ng 41,673 na sumailalim sa COVID 19 tests noong Oktubre 3.

May karagdagang gumaling sa sakit na 12, 134 at walang namatay.

Sa kabuuang bilang na 2,613, 070, 3.9 porsiyento o 103,077 ang aktibong kaso, 94.6 porsiyento (2,471,165) ang gumaling, samantalang 1.49 porsiyento (38,828).

Sa mga aktibong kaso, 90.2 porsiyento ang asymptomatic at nakakaranas na mild symptoms ng sakit.

Read more...