207,859 na violators nasita ng PNP

Aabot sa 207,859 na violators ang naitala ng Philippine National Police sa National Capital region.

Ayon sa PNP, nasita ang mga violators habang umiiral ang Alert Level 4 dahil sa COVID-19.

Sa naturang bilang, 8,340 ang bagong violators.

Ayon sa PNP, 53 porsyento sa mga vioaltors ang nabigyan ng warning, 41 porsyento ang pinagmulta, 6 porsyento ang nabigyan ng sanctions.

Umiiral ang curfew sa NCR mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Read more...