Pinatutukoy ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang lahat ng mga pulis na may kaanak na tatakbo sa 2022 national at local elections.
Katuwiran ni Eleazar, ito ay para matiyak na walang pulis na masasangkot sa partisan politics ngayon nagsimula na ang election period.
“As part of our commitment to continuously isolate the PNP from partisan politics. I have directed all chiefs of police to start the accounting of their respective personnel whose relatives have already filed the COC or would certainly run for public office in the May elections,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.
Dagdag paliwanag pa ni Eleazar, posible na ilipat sa ibang lugar ang mga pulis na may mga kaanak na kandidato.
Ibinahagi nito na noon ay may mga natanggap silang ulat na may ilang pulis na nasasangkot sa election-related violent incidents at may mga inintriga rin lang.
Kasabay nito, nanindigan si Eleazar na mananatiling ‘apolitical’ ang PNP ngayon election period.