Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na maghain ng kaso laban sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation kung mayroong ebidensya kaugnay sa umanoý overpriced na pagbilil ng COVID-19 supplies.
Ayon sa Pangulo, hindi sana gamitin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee para sa witch hunting at magamit sa eleksyon.
Paliwanag pa ng Pangulo, hindi naman niya dini-depensahan ang mga opisyal ng Pharmally.
Ang ayaw lang ng Pangulo ay nauubos ang oras ng mga miyembro ng gabinete sa kakadalo sa imbestigasyon ng Senado.
Sinabi pa ng Pangulo na nagkulang ng respeto ang Senado sa ehekutibo.
Pinaglalaruan lang aniya ng Senado ang mga miyembro ng gabinete.
Pinuntirya din ng Pangulo si Senador Richard Gordon na chairman ng komite at sinabing hindi siya Panginoon at hindi maaring umaktong Panginoon.