Bilang ng bagong COVID 19 cases at bilang ng namatay, bumaba

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) ngayon gabi na nakapagtala sa bansa ng karagdagang 10,748 COVID 19 cases sa bansa.

Kasabay nito, bumaba din sa 61 ang bilang ng namatay sa sakit.

Sa kabuuang bilang na 2,604,040, 106,160 o 4.1 porsiyento ang aktibong kaso.

May 16,523 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumali sa sakit para lumubo sa 2,459,052 ang kabuuang bilang o 94.4 porsiyento.

Paalala naman ng DOH na sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang karagdagang kaso, nananatiling mataas pa rin ang healthcare utilization rate na 72 porsiyento sa ICU beds, 59 porsiyento sa isolation beds, 62 porsiyento sa ward beds at 51 porsiyento ang nasa ventilators.

Ukol naman sa kalagayan ng mga aktibong kaso, 82.7 porsiyento ang nakakaranas ng mild symptoms ng sakit, 8.3 porsiyento ang asymptomatic, 1.2 porsiyento ang kritikal, may 2.7 porsiyento ang severe at 5.15 porsiyento naman ang moderate cases.

Read more...