Senador Bong Go naghain ng certificate of candidacy sa pagka-bise presidente

Naghain ng certificate of candidacy si Senador Bong Go bilang kandidato sa pagka-bise presidente.

Nagtungo si Go kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections sa Sofitel Hotel sa Pasay City ngayong hapon.

Ayon kay Go, nag-wihtdraw na si Pangulong o Duterte sa acceptance of nomination bilang kandidato sa pagka-bise presidente.

Si Pangulong Duterte ang una nang inindorso ng PDP-Laban bilang pangbato sa pagka-bise presidente.

Tatakbo si Go bilang bise-presidente sa ilalim ng PDP-Laban.

Bago nagtungo sa Sofitel, nagsimba muna si Go San Miguel and Archangel Church sa Manila.

 

 

 

Read more...