Sinuspendi na muna ng Department of Health ang pagtanggap ng deliveries ng face shields mula sa kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceuticals Corporations.
Ayon kay Health Undersecretary Atty. Charade Mercado-Grande, ito ay habang hindi pa natatapos ang ginagawang imbestigasyon kaugnay sa tampering ng manufacturing dates ng mga face shields na binili ng kompanya.
Nagpasya aniya ang DOH na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon.
Sinabi pa ni Grande na base s autos ni Health Secretary Francisco Duque III, magsasagawa muna ang kanilang hanay ng comprehensive review sa mga biniling face shields.
Sa ngayon, nasa 500,000 na piraso ng face shields na ang nai-deliver ng Pharmally sa DOH pero hindi pa ito nababayaran.
MOST READ
LATEST STORIES