Pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan itinakda ng DepEd sa June 13

11232946_1091331817560790_7983340754826398696_nInanunsyo na ng Department of Education o DepEd na sa June 13, 2016 ang pagbubukas ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan para sa school year 2016-2017.

Batay sa school calendar na nakapaloob sa DepEd Order 23 series of 2016, kabuuang 202 ang school days o araw ng klase ng mga mag-aaral, kabilang na ang limang araw na in-service training o INSET break.

Ang school year ay binubuo ng 54 days para sa unang quarter; 48 days para sa ikalawang quarter; 48 days sa ikatlong quarter at 52 days sa huling quarter, habang magtatapos ang school year sa April 07, 2017.

Ipinaalala naman ni Education Secretary Armin Luistro sa mga pribadong eskwelahan na mag-bukas ng klase nang hindi mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lagpas sa huling araw ng Agosto.

Sa naturang school year din ay sisimulan ang full implementation ng K to 12 program sa buong Pilipinas, partikular sa Senior High School.

Batay sa data ng DepEd, nasa 5,927 public schools ang mag uumpisang mag-alok ng Grade 11 sa 2016 at Grade 12 sa 2017; samantalang 4,827 private high schools, private at public universities and colleges, at technical-vocational schools ang mag aalok na ng Grade 11 sa 2016 at Grade 12 sa 2017.

Ang mga public school na ito ay gagamit ng mga bagong classrooms at pasilidad.

At bunsod ng 1.5 milyong incoming students ang inaasahang papasok sa SHS, tiniyak ng DepEd na may subsidiya na tinatawag na SHS Voucher Program, para makakuha ng diskwento ang mga mag-aaral sa tuitions at iba pang bayarin./ Isa Umali

 

Read more...