Presidential campaign, sinuspinde ni Ted Cruz

Photo from newyorker.com
Photo from newyorker.com

Biinitiwan na ni Senator Ted Cruz ang kaniyang kampanya sa pagkapangulo para makuha ang nominasyon ng Republican party.

Dahil sa pasyang ito ni Cruz, lumaki ang tsansa ni Donald Trump na makuha ang nominasyon ng nasabing partido.

Inanunsyo ni Cruz ang suspensyon ng kaniyang kampanya matapos magwagi si Trump sa Indiana state.

Bagaman ginawa ng kampo ni Cruz ang lahat para talunin si Trump sa Indiana, hindi naging sapat ang kanilang kampanya. “We gave it everything we’ve got, but the voters chose another path,” ayon kay Cruz sa pagsasalita niya sa harap ng mga supporters sa Indiana.

Bago ang anunsyo ni Cruz, tinawag siyang sinungaling ni Trump at hindi umano nararapat maging pangulo.

 

Read more...