111 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP

PNP photo

Aabot sa 111 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa talaan ng PNP, nasa 40,070 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa kanilang hanay.

Sa naturang bilang, 1,959 ang aktibong kaso.

Nasa 175 ang nakarekober.

Sa kabuuan nasa 37,992 ang nakarekober.

Nasa 119 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa PNP.

 

Read more...