P497 milyong revenue nakolekta ng BOC sa 3rd quarter

Aabot sa P497 milyong karagdagang revenue ang nakolekta ng Bureau of Customs sa ikatlong quarter ng taong 2021.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, galing ang nakolektang revenue sa Post Clearance Audit.

Sinabi pa ni Guerrero na patuloy na magsusumikap ang BOC para makakolekta ng karagdagang buwis.

Sa kabuuan nasa P1.03 bilyon na ang nakolektang revenue ng BOC mula sa 266 Audit Notice Letters.

 

Read more...