Nagpapasalamat pa rin si senatorial aspirant Leila De Lima sa Iglesia ni Cristo (INC).
Ito ay kahit na hindi siya inindorso ng nasabing religious group na kilala sa bloc voting.
Ang mahalaga ayon kay De Lima, naiprinsinta niya ang kanyang mga plataporma kay INC executive minister Eduardo Manalo.
Dagdag ni de lima, iginagalang niya ang naging desisyon ng INC at ng iba pang mga grupo.
Mayroon naman aniyang ibang grupo ang nagpahayag ng pagsuporta sa kanyang kandidatura.
“Kung hindi ko man nakuha ang suporta ng INC, nagpapasalamat pa rin ako kahit hindi ako inindorso, iginagalang ko ang desisyon nila,” pahayag ni de lima.
Dagdag pa ni De Lima, welcome ang lahat ng nagpapahayag ng suporta sa kaniya lalo pa at baguhan siya sa pulitika, gayunman, inirerespeto niya ang pasya ng iba na hindi siya susuportahan.
“Lahat ng sumuporta sa akin ay welcome sa akin, sabi ko nga, mahalaga ito lalo’t baguhan ako sa larangan ng pulitika. Ang mahalaga, i tried to reach out,” pahayag ni de lima.