BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 130,000

Mahigit 15,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 1), pumalo na sa 2,565,487 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 130,268 o 5.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 15,566 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

77.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 15.0 porsyento ang asymptomatic; 3.97 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 199 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 38,493 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 23,483 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,396,726 o 93.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...