195 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19

Nasa 134 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (October 1), 39,967 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,023 ang aktibo pang kaso.

195 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 37,826 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isa namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 118 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...