Itinanggi ni vice presidential candidate, Senator Francis “Chiz” Escudero na magwi-withdraw siya ng kandidatura para bigyang daan si Camarine Sur Rep. Leni Robredo.
Sa panahon ngayon sinabi ni Escudero na napakadali nang magpakalat ng mga maling impormasyon sa pamamagitan ng text lalo pa at piso lang ang kada text habang ang iba ay naka-unli text pa.
Tinawag ni Escudero na kahibangan at kayabangan ng iilang sektor ang pagpapakalat ng nasabing balita.
Una nang kumalat na aatras na umano si Escudero para bigyang daan ang kandidatura ni Robredo at matiyak na hindi mauupo sa puwesto si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi pa ni Escudero na pakana lamang ito ng LP o ng grupong dilaw.
Pilit aniyang pinalulutang ng LP na sila lang ang may bukod tanging karapatan na mamuno sa bansa.
“Gusto nila, sila lang ang may sense of entitlement, bitbit ng dilaw,” pahayag ni Escudero.