Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 234.60 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 234.60 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 234,608,477 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 44,314,424 cases.

Sumunod na rito ang India na may 33,766,707 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,427,073 naman ang kaso sa Brazil habang 7,807,036 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,511,026
– Turkey – 7,154,070
– France – 7,013,432
– Iran – 5,587,040
– Argentina – 5,256,902
– Spain – 4,959,091
– Colombia – 4,957,277
– Italy – 4,672,355
– Germany – 4,241,706
– Indonesia – 4,215,104
– Mexico – 3,664,223

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,798,478 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 211,391,978 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...