Pangulong Duterte, balak pumunta sa Amerika

PCOO photo

Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Amerika.

Ito ay para personal na magpasalamat dahil sa mga donasyong bakuna kontra COVID-19 ng Amerika sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, mabait ang Amerika na dapat lamang pasalamatan ang kanilang gobyerno at mga residente.

“Ang bait ng Amerika. Punta kaya ako ng Amerika, just to thank the American government and the people,” pahayag ng Pangulo.

Tanong ng Pangulo kung ano raw ba ang hitsura ng Amerika.

Matatandaang aabot na. Sa 16 milyong doses ng bakuna ang ibinigay ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.

Read more...