Pangulong Duterte, matabang sa pagbibigay ng booster shots sa mga Filipino

PCOO photo

Matabang ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte para bigyan ng booster shots kontra COVID-19 ang mga Fililino.

Ayon sa Pangulo, tama na ang nakukuhang bakuna ng mga Fililino.

Hindi na aniya dapat na sobrahan ang bakuna at maaring magdulot lamang ito ng panganib sa kalusugan.

Maari kasi aniyang mabuhay ang mga dead virus kung tuturukang muli ng bakuna.

Hindi naman kasi aniya makadadagdag ng full protection ang booster shots sa halip ay maaring maging contaminated ulit ng virus.

“Hindi naman kailangan at it does not add really to the full protection of your body. You can even get contaminated again,” he added.

Dagdag ng Pangulo, kawawa naman ang iba dahil liliit ang tsansa na makakuha ng bakuna.

Read more...