Tinawag na overacting ni vice presidential candidate, Senator Francis “Chiz” Escudero ang resulta ng survey ng Stratford na nagsasabing nanguna na sa presidential survey si iberal party standard bearer Mar Roxas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, Escudero na hindi totoo ang naturang survey.
Ipinagtataka ni Escudero kung ano ang nangyari at naganap ang ganoong resulta.
Kinukwestyun din ni Escudero kung ano ang ginawa ni Roxas para manguna sa survey.
Sa naturang survey na inilabas noong April 20, statistically tied sina Roxas at Senator Grace Poe sa number 2 spot.
Si Roxas ay nakakuha ng 26.2% at 25.9% naman ang nakuha ni Poe.
Dagdag pa ni Escudero, bibihira naman na ang mga taong nakikinig sa survey. Aniya, kung sa mga sabungan nga ay may tumataya pa rin sa dehado, kaya hindi nangangahulugan na ang mga nangunguna sa survey lang ang iboboto ng publiko.