3 mula sa 5 presidentiables, pabor sa ban sa plastic bags

Plastic BagsPosibleng tuluyan nang ma-ban ang ‘single-use plastic bags’ sa buong bansa, sakaling sinuman kina Senadora Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago at dating DILG Sec. Mar Roxas ang mahalal na Pangulo ng bansa.

Ito ang konklusyon ng Ecowaste coalition matapos sagutin ng tatlong nabanggit na Presidential bets ang tanong ng grupo hinggil sa isyu ng plastic pollution sa Pilipinas.

Gayunman, bagama’t pinadalhan ng tanong ng grupo, wala raw sagot na nakuha mula kina Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon sa Ecowaste, ang kanilang hakbang ay upang malaman ang posisyon ng bawat aspirante ukol sa mga basura at toxic issues.

Partikular na tinanong ng lupon sa mga Presidentiable: “What policy measures will your administration take to stop the ‘plasticization’ of the oceans.”

Sinabi ng Ecowaste na ang plasticization of the oceans ay isang nakakabahala na scenario para sa isang fish-eating na bansa gaya ng Pilipinas, at kung saan ang pangingisda ang isa sa pangunahing pangkabuhayan.

Batay din anila sa isang pag aaral, maaaring mas marami raw na n gati kaysa sa isda sa taong 2050 sa mga karagatan ng mundo.

 

Read more...