Cabinet members hindi na padadaluhin sa Senate hearings ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na magpalabas ng memorandum na mag-aatas sa mga opisyal na nasa ilalim ng Executive Branch na tanggihan ang imbitasyon ng Senado para dumalo sa mga pagdinig.

Ginawa ito ni Pangulong Duterte kasunod nang nagpapatuloy na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa diumano’y mga anomalya sa pagbili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) ng bilyong-bilyong pisong halaga ng COVID 19 supplies.

“I have ordered Secretary Medialdea to prepare the — Executive Secretary — I will issue a memorandum na lahat ng nasa Executive department will no longer obey your summons kasi kingdom come ka,” ang sabi nito.

Diin pa ng Punong Ehekutibo lumalabis na sa kanilang hurisdiksyon ang Senado.

Nabanggit din niya kina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Sec. Francisco Duque III na tanggihan na ang mga imbitasyon dahil nasasayang lang ang kanilang oras na dapat ay nagta-trabaho sila.

Read more...