P4.75M halaga ng imported vegetables kinumpiska sa Tondo, Maynila

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Intelligence Group ang ilang puwesto sa Tondo, Maynila na nagbebenta ng mga puslit na gulay.

Nagsimula ang operasyon sa pagsasagawa ang test-buy at matapos makumpirma ang kanilang pakay, sinalakay na ang tatlong puwesto sa Carmen Planas at Bilbao streets.

Kasunod nito ang pagkakadiskubre ng mga imported na carrots, bawang, broccoli, sibuyas at luya.

Nang hindi makapagpakita ng import permits ang may-ari ng puwesto, kinumpiska na ang mga gulay na higit P4.75 milyon ang halaga.

Isinara na rin ang mga puwesto at isinailalim sa kustodiya ng BOC para sa pag-imbentaryo at pag-iimbestiga.

Read more...