Sa ipinalabas ng MMDA na pahayag ni Chairman Benhur Abalos sinabi nito na bahala na ang DOH na magpasya dahil ito naman ang ahensiya na tunay na nakakaalam ng sitwasyon sa bansa.
Kasama na rin sa pagpapasya ang paggamit na ng anti-gen test sa halip na RT-PCR rest na hindi pa naisasama ang resulta sa daily bulletin.
Sinabi ni Abalos na bagamat umaasa ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila na ibaba ang ‘alert level status,’ nasa pagpapasya pa rin ng mga kinauukulan ang lahat.
Dagdag pa ni Abalos ang pangunahing alahanin naman ay ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan kasabay nang pagpapasigla sa ekonomiya.