DPWH magkakaroon ng weekend road reblocking sa EDSA, C5

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs sa ilang kalsada sa EDSA at C5.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (October 1).

Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Caloocan (Southbound) pagkatapos ng B. Serrano St. (4th lane mula sidewalk)
2. C-5 Road Northbound bago ang Mckinley (4th lane)
3. España Boulevard (mula Extramadura St. hanggang M. Dela Fuente St.)
4. C.P Garcia Ave. bago ang Krus na Ligas (2nd lane mula sidewalk)
5. EDSA Tramo Flyover Aurora Blvd. (Tramo Off Ramp), Pasay City

Maari namang madaanan muli ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (October 4).

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Read more...