Patuloy ang pagkilos papalayo ng bansa ang bagyong may international name na “Mindulle”.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,775 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng extreme Northern Luzon.
Gayunman, nakakaapekto aniya ang trough ng bagyo sa Silangang bahagi ng Northern Luzon.
Ani Clauren, makararanas pa rin ng isolated rainshowers ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa sa Huwebes ng gabi, September 30, dulot ng localized thunderstorms.
Inabisuhan nito ang publiko na maging alerto sa mga inilalabas na thunderstorm advisory ng weather bureau.
MOST READ
LATEST STORIES