#LetLeniLead No. 1 trending sa Twitter

Nangunang trending hashtag ang #LetLeniLead sa Twitter bandang 5:00, Huwebes ng hapon (September 30).

Kasunod ito ng ianunsiyo ng opposition coalition group na 1Sambayan ang kanilang pag-endorso kay Vice President Leni Robredo para tumakbo bilang pangulo sa 2022 National Elections.

Umabot sa 5,910 tweets ang naitala hanggang 5:00 ng hapon.

Nagpasalamat naman si Robredo sa nominasyon ng 1Sambayan.

Ngunit, hindi pa rin nagbigay ng pinal na pahayag si Robredo kung ano ang kaniyang plano sa susunod na eleksyon.

Read more...