Task Force ng kamara, todo-handa na para sa canvassing

House of Representatives
House of Representatives

Patuloy na naghahanda ang mababang kapulungan ng kongreso para sa presidential at vice presidential canvassing, na mag-uumpisa sa May 23, 2016.

Sa katunayan, magkakaroon ng coordination meeting ang Task Force Canvassing 2016 sa May 11, alas-2:00 ng hapon sa Nograles Hall, South Wing Annex, ng Batasan Complex, Quezon City.

Kabilang sa mga imbitado rito ay ang mga pinuno at miyembro ng House of Representatives Task Force Canvassing Committees on Security and Physical Arrangements, maging ang Senate Task Force at mga media na magko-cover.

Kabilang sa mga tatalakayin ay ang problema sa sistema na gagamitin ng kamara sa canvassing.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, ang mga makina na gagamitin ng kamara ay hindi raw kayang mag-generate ng city at provincial certificates of canvass at tanging regional lamang, na batayan ng proklamasyon ng pangulo at ikalawang pangulo.

Nadiskubre ang problema na ito noong Lunes, kung kailan nauna nang nagpulong ang Smartmatic at ang Commission on Elections sa kamara hinggil sa gaganaping Canvassing of Votes.

Ipinakita kung paano ang pagtanggap ng certificate of canvass at election returns para sa pinal na bilangan ng mananalo at pagsecure ng boto.

Read more...