Rep. Leni Robredo, nanguna na sa survey para sa vice presidential race

Photo from politics.com.ph
Photo from politics.com.ph

Ilang araw bago ang eleksyon, naungusan na ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo si Senator Bongbong Marcos sa bagong Pulse Asia Survey.

Sa nasabing survey na kinomisyon ng ABS-CBN at isinagawa mula April 26 hanggang 29 nakakuha ng 30% si Robredo.

Lamang na siya ng dalawang puntos kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mayroong 28%.

Nasa ikatlong pwesto naman si Sen. Francis Escudero na may 18%, sumunod si Sen Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 15%, habang kapwa nakakuha ng 3% sina Senators Antonio Trillanes IV at Gringo Honasan

Aabot sa 4,000 ang respondents ng nasabing survey na mayroong margin of error na 1.5%.

Pawang mga rehistradong botante na mayroong biometrics ang tinanong sa survey.

 

 

Read more...