Iniharap ni Sen. Risa Hontiveros ang testigo sa isang virtual press conference, gayundin ang kanyang Chief Legislative officer na si Atty. Jaye Bekema, na unang inakusahan ng panunuhol sa testigo.
“I categorically and absolutely deny bribing the witness into lying. Hindi po ako nanuhol, wala po sa opisina ni Sen. Risa, maging si Sen. Risa, ang nanuhol,” diin ni Bekema.
Dagdag pa niya ang lahat ng mga inihaharap nilang testigo ay lumalapit sa kanila at ang kanilang huling testigo ay nag-e mail sa kanilang opisina.
Giit pa ni Bekema, ilang ulit din nilang bineripika ang pahayag ng testigo at ipinanumpa sa isang notary publiko bago nila ito iprinisinta sa huling pagdinig sa Senado.
Samantala, dinipensahan din ni Hontiveros si Bekema sa alegasyon ng panunuhol o pagbabayad sa testigo.
“Walang kasaysayan ng bribery ang opisina ko. Dahil kung kasaysayan rin lang ang pag-uusapan, ang meron kami ay history ng pagprotekta, pagtatanggol, at pagkalinga sa mga testigong lumalapit sa akin,” sabi ni Hontiveros at dagdag niya; “Hindi natin hahayaan ang patuloy na pambababoy ni Atty. Topacio sa katotohanan.”