TESDA nagbabala sa online selling ng pekeng NCs para sa job application

Binalaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang publiko sa pagbebenta online ng mga pekeng National Certificates (NC) which are being sold on social media sites.

 

Sinabi ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapeña ang NCs ay iniisyu ng kanilang mga tanggapan sa mga kuwalipikadong indibiduwal at may bisa ito ng limang taon.

 

“Ang tunay na NC po ay hindi for sale. Ang isang indibidwal na nakapasa lamang sa competency assessment ang entitled para magawaran ng NC,” sabi ni Lapeña.

 

Bago ito, nakatanggap ng mga ulat ang ahensiya may mga grupo sa Facebook ang nag-aalok ng NCs para sa ibat-ibang technical-vocational courses kapalit ng pera.

 

Nabatid na may mga pekeng NCs ang isinasama din sa pag-apply ng trabaho.

 

Ayon pa kay Lapeña nakikipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulang ahensiya para matigil na ang online selling ng mga pekeng NCs.

 

Read more...