421 lugar, idineklarang ‘election hotspots’

 

Aabot na sa 421 ang bilang ng mga bayan ang munisipalidad na itinuturing ng Commission on Elections bilang mga election hotspot para sa nalalapit na May 9 polls.

Sinabi ni Capt. Celeste Frank Sayson, Deputy Public Affairs Officer ng AFP, kanilang hinati sa tatlong kategorya ang mga naturang lugar depende sa antas ng banta ng kaguluhan sa araw ng eleksyon.

Sa unang kategorya, kung saan may mataas na political rivalry sa mga kumakandidato, 159 na bayan at syudad ang nasa ilalim nito.

165 namang mga lugar ang nasa category 2, kung saan may mga presensya ng NPA, MNLF, BIAF at Abu Sayyaf.

Nasa category 3 naman ang 97 lugar kung saan parehong may political rivalry at presensya ng mga rebelde at bandidong grupo.

Sa naturang bilang, 73 bayan at syudad ang matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao kung saan 12 sa mga ito ang nasa category 1, 3 sa category 2 at 58 ang nasa category 3.

Sumunod naman sa listahan ang CARAGA region at Bicol region.

Read more...