Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hanay ng mga kandidatong tumatakbo sa pagka-pangulo sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.
Batay sa pinakahuling resulta ng survey na isinagawa sa pagitan ng April 26 hanggang 29, umani si Duterte ng 33 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga survey respondents.
Nasa 4,000 ang kinunan ng kanilang opinyon kung sino ang nais nilang maging pangulo kung ang eleksyon ay isinagawa sa mismong araw ng survey.
Samantala, nasa ikalawang puwesto na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na may 22 percent.
Nasa ikatlong posisyon naman si Senator Grace Poe na tumanggap ng 21 percent.
Nadagdagan ng dalawang puntos si Roxas samantalang nabawasan ng isang puntos si Poe mula sa nakaraang survey kaya’t ‘statistically tied’ na ang dalawa.
Nasa ikaapat na pwesto naman si Vice President Jejomar Binay na may 17 percent samantalang Nasa huli naman si Senador Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 2 percent.