Trough ng bagyo sa labas ng bansa, nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Luzon

DOST PAGASA satellite image

Nakakaapekto pa rin ang trough ng Typhoon Mindulle sa Silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,445 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng extreme Northern Luzon.

Aniya, nasa Northeastern boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Wala aniyang dalang malawakang pag-ulan ang bagyo ngunit ang malakas na hangin nito ang magdudulot ng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan sa eastern seaboards ng Northern at Central Luzon.

Wala aniyang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Ani Clauren, mababa na ang tsansa na pumasok ang bagyo sa teritoryo ng bansa.

Read more...