Sen. Manny Pacquiao, ‘living legend’ at ‘greatest boxer of all time’ – senators

 

Matapos ianunsiyo ang kanyang pagreretiro sa boxing, umani ng papuri mula sa kanyang mga kapwa senador si Senator Manny Pacquiao.

“Manny Pacquiao will always be the Greatest Boxer of All Time! The Filipino Pride of General Santos city! I wish him well! Mabuhay!,” sabi ni Senate President Vicente Sotto III.

Sabi naman ni Sen. Koko Pimentel III ngayon ay masesentro na ang atensyon ni Pacquiao sa kampaniya.

Noong nakaraang linggo, tinanggap ni Pacquiao ang nominasyon ng kampo niya sa PDP-Laban na maging ‘standard-bearer’ ng kanilang partido.

“The same focus (includes discipline) he showed in winning a world record 8 divisions (weight classes) in boxing, he will now give to his campaign and beyond,” sabi ni Pimentel.

Tinawag naman na ‘living legend’ ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Pambansang Kamao.

Aniya wala ng dapat pang patunayan bilang atleta si Pacquiao dahil marami na itong naitalang boxing records, kasama na ang nag-iisang eight-division champion.

“Already he has inspired countless Filipino athletes and given them hope that with hard work and dedication, they can succeed, no matter where they come from. I thank Sen. Manny for decades of inspiring athleticism and sportsmanship. He will always be our Pambansang Kamao,” sabi pa ni Zubiri.

Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto tunay na nagsilbing inspirasyon sa maraming Filipino si Pacquiao.

Read more...