Isang kalsada sa Maynila, aayusin ng DPWH mula Oct. 1 hanggang 6

Magsasagawa ng pagsasaayos sa bahagi ng España Boulevard sa Lungsod ng Maynila mula October 1 hanggang 6, 2021.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), layon nitong bigyang-daan ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula Extremadura Street hanggang M. Dela Fuentes Street.

Inabisuhan ang mga motorista maaring sumikip ang daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar sa kasagsagan ng pagsasaayos.

Pinayuhan din ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Read more...