BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng 12,805 na bagong kaso ng COVID-19

Mahigit 12,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 29), pumalo na sa 2,535,732 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 132,339 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 12,805 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

76.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 16.4 porsyento ang asymptomatic; 3.91 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 190 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 38,164 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 12,236 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,365,229 o 93.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...