Bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19, umakyat sa 37,978

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ng 292 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, umakyat na sa 37,978 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.

Sinabi pa ng kagawaran na 212 sa unang tinukoy bilang recoveries ang napag-alamang nasawi pala matapos ang final validation.

“Please take note that 175 of these recoveries to deaths are part of the 292 deaths added today,” saad pa ng DOH.

Read more...