Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (September 29), 39,707 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,130 ang aktibo pang kaso.
202 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 37,460 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 117 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES